Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaabangan na ng mga turista ang pagsalubong ng Chinese
new Year sa isla ng Boracay mamayang hating gabi.
Karamihan sa mga ito ay mga Taiwanese at Chinese Tourist
na mas piniling dito sa Boracay salubungin ang Chinese New Year.
Pati ang ibang turista mula sa ibat-ibang bansa ay dumagsa
na rin sa Boracay para saksihan ang pagsalubong sa selebrasyon.
Kaugnay nito, ibat-ibang gimik naman ang gagawing
pagsalubong ng mga establisyemento sa isla kabilang na ang mga hotel, resorts
at maging ang mga restaurant sa front beach area.
Makikita na rin sa mga pamilihan sa Boracay ang
ibat-ibang bagay na pampasuwerte kagaya ng mga palamuti sa bahay.
Hindi rin ng papahuli ang mga bilog na prutas na isa sa
mga simbolo ng Chinese New Year gayon din ang mga malalagkit na pagkain katulad
ng sikat na Tikoy.
Matatandaang sinabi ni DOT Officer In-charge Tim Ticar,
na inulan sila ng sulat mula sa mga Foreign Tour guides payagan sila na
makapunta sa Boracay para magdala ng mga turista na sasalubong ng Chinese New
Year sa isla.
Nabatid na ipinagbabawal ang mga foreign tour guides sa
Boracay na walang permit mula sa LGU Malay.
Samantala, isa sa mga inaabangan sa Boracay ngayong
Chinese New Year ay ang pabungahan ng mga fireworks display sa pagsalubong ng
bagong taon.
No comments:
Post a Comment