Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Dinagsa pa rin ng mga residente at turista ang pinaka-aabangang
atraksyon sa Boracay tuwing pagsalubong ng bagong taon , and fireworks display.
Halos labing-limang minuto bago mag alas-dose ay bumuhos ang ulan sa
buong isla kung saan ang ilan ay hindi na nakalabas ng kanilang bahay.
Subalit ,dahil na rin sa nakagawian na ng mga taga-isla at ng mga
turista na ang ilan ay dumayo para saksihan ang ganitong atraksyon ay dinumog
pa rin ito.
Sa beach front at vegetation area, kahit na high tide at malakas ang
ulan ay hindi ito alintana ng mga pumunta at karamihan dito ay naligo na lang
sa ulan.
Bagamat inaasahan ang ganitong lagay ng panahon, hindi naman binigo ng
ilang resort owners at mga negosyante na mag set-up ng fireworks na
pinapaniwalaang pampaswerte sa pagpasok ng bagong taon.
Pagkatapos ng halos sampung minuto na fireworks display sa iba’t-ibang
area sa Boracay, tuloy ang party sa mga disco bar at salo-salo sa media noche ng
mga pamilyang naninirahan sa isla.
No comments:
Post a Comment