Pages

Tuesday, January 14, 2014

Mga bakal at bato mula sa tinibag at ibinaong seawall sa station 1 beach front, naglitawan

Ni Bert Dalida Yes FM Boracay

Naglitawan ang mga bakal at bato mula sa tinibag at ibinaong seawall sa station 1 beach front.

Ito’y matapos tangayin ng malalakas na alon ang buhanging itinambak sa mga dinimolish na seawall nitong nagdaang linggo.

Mataas kasi ang tubig kagabi at inabot ang pinagtambakan ng mga nasabing bato.

Bagay na nagpakita ng pagkadismaya sa kanilang nakita ang mga dumadaan doon, lalo na ang mga turista.

Maliban dito, isang turista din ang nagkuwento sa mga komisyoner doon na umano’y nasugatan ang kanyang binti dahil sa nakausling bakal sa bato.

Ayon pa sa ilang establisemyento doon.

Naglitawan din kahapon ang mga nasabing bakal at bato, kung kaya’t muling inayos ng backhoe at demolition team.

Samantala, kaagad naman itong inaksyunan ng demolition team upang hindi makapagdulot ng sakuna sa publiko.

Matatandaang iginiit ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force na ibaon na lang ang mga tinibag na seawall upang hindi umano mahatak pabalik sa dagat ang buhangin.

No comments:

Post a Comment