Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Lima pang cruise ship ang inaasahan ng Aklan Provincial
Government at ng Department of Tourism na dadaong sa Boracay ngayong buwan ng
Pebrero.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, babalik
muli ang tatlong barko na nakadaong na noong nakaraang taon at nitong Enero na
MS Columbus, MS Europa 2 at MS Costa Victoria.
Isa lamang itong patunay na maaaring maging Cruise ship
destination ang isla ng Boracay na halos sunod-sunod ang pagbisita ng mga barko
dala ang mahigit sa mga dalawang libong turista.
Nabatid na gusto ring maging target ng DOT at ng
Provincial government na magkaroon ng Tour sa ibat-ibang lugar sa Aklan ang mga
sakay ng cruise ship.
Tiwala naman si Ticar kung patuloy ang pagbisita ng mga
cruise ship sa isla ay maaabot nila ang kanilang target ngayong taon na 1.5
million tourist.
Samantala, all-set na rin ang ginagawang siguridad ng mga
otoridad para sa pagbisita ng mga sikat na cruise ship sa mundo sa isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment