Pages

Tuesday, January 21, 2014

DOT Boracay, pinag-aaralan din ang kaso ng child pornography

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinag-aaralan na rin umano ng Department of Tourism (DOT) Boracay ang kaso ng child pornography.

Ayon kay DOT Officer-In-Charge Artemio “Tim” Ticar.

Nagpapasalamat sila ngayon at wala silang naitala o anumang natatanggap na report na merong mga ganitong kaso sa isla ng Boracay.

Gayonpaman, nagpapatuloy parin umano ang kanilang mga programa at kampanya para protektahan ang kabataan sa isla ng Boracay lalo na’t ito ang karaniwang destinasyon ng iba’t-ibang mga turista para magbakasyon.

Ayon pa kay Ticar hindi naman kasi malayo sa posibilidad na mangyari rin sa isla ang nangyayaring child pornography sa ibang lugar dahil sa iba’t-ibang mga tao ang dumadayo rito.

Kaya’t kaakibat umano ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) at iba pang mga ahensya ay binabantayan at kanilang sinisiguro ang kaligtasan ng mga residente.

Nabatid, na samo’t-saring mga programa at regulasyon narin ang ipinapatupad ng lokal na pamahalaan sa Boracay para mas lalo pa itong maging kaaya-aya para dayuhin ng mga bakasyunista.

Ang child pornography ay isang uri ng protitusyon na ang karaniwang sangkot ay mga kabataan kung saan ginagamit ang internet bilang komunikasyon.

Ang mga mahuhuli rito ay maaaring kasuhan sa ilalim ng batas na R.A No. 7610 o an act providing for stronger deterrence and special protection against child abuse, exploitation and discrimination, and for other purposes.

No comments:

Post a Comment