Ni
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Handang
harapin ng Department of Tourism o DOT ang panibagong hamon sa kanilang ahensya
ngayong 2014.
Ayon
kay DOT Boracay officer In-Charge Tim Ticar.
Pagtutuunan
nila ng pansin ngayong ang promotion sa marketing sa ibat-ibang bansa para mas lalong
tangkilikin ng mga turista ang isla ng Boracay.
Nais
naman ni Ticar, na maging maayos at gumanda pa ang Boracay at maipasok muli sa
mga lugar na pinakamaganda sa mundo.
Sa
kabilang banda, wala pa ngayong target ang DOT Boracay kung ilang turista ang
inaasahan nilang dadayo sa isla dahil magmumula pa umano ito sa kanilang Regional
Office.
Nabatid
na noong nakaraang taon ay 1.5 million tourist ang naging target nila para sa
isla, ngunit umabot lamang ito sa mahigit isang milyon at tatlong daang libo.
Iginiit
naman ni Ticar na kahit hindi nila naabot ang kanilang target ay positibo parin
sila na lalo pang dadayuhin ang Boracay ngayong taon.
Naniniwala
din ito na may mga turistang pumunta sa Boracay noong nakaraang taon ang hindi
nailista sa tourist list sa Arrival ng Caticlan Jetty Port.
Isa
rin sa kanilang tinitingnan rason kung bakit biglang bumaba ang tourist arrival
ay dahil sa nagdaang bagyo na nagkaroon ng maraming cancelations of bookings.
Samantala,
balak ngayon ng Department of Tourism na mas lalong paigtingin ang pagbabantay
ng mga turistang pumapasok sa Boracay para mailista sa tourist list.
No comments:
Post a Comment