Ni Alan C. Palma, Sr., YES FM Boracay
Sa pangatlong
araw ng demolisyon ng mga seawall sa beachline ng Boracay na nagsimula nitong
Lunes, Enero a-sais taong 2014, tanggap na ng mga nakitaan ng violation ang
pagtibag na isinasagawa ng Boracay Redevelopment Task Force.
Sunod-sunod ang
operasyon ng Task force sa pangunguna ni BICOO Glenn Sacapano.
Nag
self-demolish naman si BFI President Jony Salme na may-ari ng Jony’s Beach
Resort, at kasalukuyan namang binabakbak ang seawall ng Diamong Water Sports at
susundan ng isang restaurant at club na pag mamay-ari naman ni Vice-Mayor
Wilbec Gelito.
Nakaantabay
naman si PCCI-Boracay Ariel Abriam na may-ari naman ng Ariel’s Beach House na
napasama din sa mga ire-redevelop.
Wala namang
pagtutol o pagpigil mula sa mga may-ari ng apektadong establisyemento.
Samantala, ayon
kay Sacapano, gumanda pa lalo ang beach line ng Boracay dahil na rin sa
ipinakitang kooperasyon ng mga nabanggit na resort and establishment owners.
No comments:
Post a Comment