Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay
Matapos ang mga paghahanda para sa selebrasyon ng kapaskuhan at bagong
taon, pinaghahandaan naman ngayon ng lokal na pamahalaan ang 2014 Boracay
ati-atihan sa isla ng Boracay.
Sa Enero a-dose, taong kasalukuyan ang araw ng selebrasyon ng
Ati-Atihan sa isla, ngunit simula pa lamang sa Enero a-nuebe ay magsisimula na
ang selebrasyon.
Ayon kay Felix Delos Santos Jr., Chief Tourism Operations Officer.
Abala na sila sa pag-iimbita sa lahat ng mga residente maging sa mga
stakeholders na sumali at makisaya sa taunang selebrasyon ng Ati-Atihan sa
isla.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang kanilang pangangalap ng mga sponsorship
para sa nabanggit na selebrasyon, lalo pa nga’t marami silang inihandang mga
event.
Bukod sa lokal na pamahalaan, ang Boracay Ati-Atihan ay pangungunahan
din ng Holy Rosary Parish Pastoral Council at Brgy. Balabag Council kung saan
layunin itong mas lalo pang maging malapit ang mga Boracaynon kay Sto. NiƱo.
Partikular na sa pagdating sa promosyon din ng mga tradisyon at kultura
ng Boracay Ati-Atihan sa mga turista at makapag-likha din ng mas mabuting
pagkakaunawaan may kinalaman sa turismo ng isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment