Pages

Monday, December 30, 2013

PCG, nagbabala kontra overloading ng mga barko

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagbabala ngayon ang Philippine Coast guard (PCG) sa mga pampasaherong barko na may biyaheng Caticlan at Mindoro.

Ayon kay PCG Caticlan acting station commander Pedro Taganos, marami ang mga nagsisiuwian ngayon sa kani-kanilang mga probinsya para ipagdiriwang ang bagong taon.

Karamihan din umano sa mga barko ngayon ay nananamantala sa pagdagsa ng mga pasahero sa pagpapasakay ng higit sa itinikdang kapasidad.

Dagdag pa ni Taganos hanggang sampu lang na mga sasakyan ang maaaring ikarga ng RoRo vessel at dipinde narin sa kapasidad nito.

Oras-oras din umano ang kanilang ginagawang pag-momonitor sa mga pantalan sa probinsya para sa ginagawang siguridad ng mga biyahero ngayong holiday season.

Nauna na rin nagpaalala ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga may-ari o operator ng mga shipping company sa bansa na huwag mag-overloading  para maiwasan ang anumang insidente sa karagatan.

Samantala, umapela pa ang PCG sa publiko na agad isumbong sa mga otoridad ang alinmang barko na lumalabag sa patakaran kontra overloading.

No comments:

Post a Comment