Pages

Wednesday, December 25, 2013

Misa para sa bisperas ng kapaskuhan sa Boracay kagabi, benindisyunan ng ulan

Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay

Binindisyunan ng ulan ang misa para sa bispera ng kapaskuhan sa Boracay kagabi.

Ganito ang paniniwala ng mga nagsipagdalo sa ginanap na Nativity Mass kagabi sa HRP o Holy Rosary Parish Boracay.

Bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan bago paman nagsimula ang misa, kung kaya’t biglang nagsiksikan ang mga tao sa loob ng simbahan.

Samantala, nanood muna ng inihandang presentation ng mga youth o kabataan ng simbahan ang mga dumalo sa misa, bago ito nagsimula ng pasado alas 9.

Sinundan pa ito ng isang re-enactment ng paghahanap nina Birheng Maria at Jose ng lugar kung saan isisilang si Hesus.

Mismong si HRP Team Mediator Father Nonoy Crisostomo ang naging selebrante ng misa kagabi.

No comments:

Post a Comment