Pages

Monday, December 30, 2013

Mga Senior Citizens ng Boracay, nag-alay ng programa sa Rizal Day Celebration

Ni Bert Dalida Yes FM Boracay

Hindi napigilan ng masamang panahon ang ating mga Senior Citizens ng Boracay upang gunitain ang Rizal Day.

Katunayan, isang programa ang sama-samang inihanda ng mga senior citizens ng Barangay Manoc-manoc, Balabag, at Yapak kaninang umaga sa mismong Balabag Plaza.

Matapos ang kanilang sponsored mass na pinangunahan ni Father Nonoy Crisostomo ng Holy Rosary Parish Boracay.

Nag-alay ng awitin at humataw sa sayaw ang mga nasabing senior citizens, bago nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Gat Jose Rizal.

Sa nasabing programa, sinabi ni Senior Citizens Boracay President Rufina ‘Pines’ Villaroman na kailangang magkaisa ang mga Senior Citizens sa buong Boracay, upang manatiling inspirasyon at hangaan ng kanilang kapwa at maging ng mga kabataan.

Samantala, lalong naging masaya ang naturang programa, nang magbigay ng kanyang mensahe sa dating Vice Mayor Cesiron Cawaling kanina.

Sinabi nito na dapat ugaliin nila ang pag-eehersisyo, upang maabot o mahigitan pa ang edad na isang daan, na hindi nangangailangan ng gamot.

Sabay-sabay namang ginugunita sa buong bansa ang ika- 117th death anniversary ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal.

No comments:

Post a Comment