Pages

Wednesday, December 04, 2013

Mga Business-Violators sa Boracay, hindi na papayagan mag-negosyo sa susunod na taon

Ni Alan C.  Palma Sr., YES FM Boracay

Simula Enero a-dos ng susunod na taon ay hindi na bibigyan ng Business Permit ang mga establisyementong nakatanggap ng Notice of Violation na hindi nag-comply sa mga ordinansang nalabag.

Ito ang kalatas mula sa Executive Order No. 14  ng LGU-Malay, kung saan ang Certificate of Compliance ang magiging basehan.

Tinukoy din sa nasabing EO na ang mga walang Building Permit at Occupancy Permit ay kasama sa mga hindi na bibigyan ng permit o papayagan kahit sa pag-proseso man lang ng renewal.

Ang regulasyon ay istrikto umanong ipapatupad kasama na ang pagkuha ng Sanitary Permit at mga Health Cards ng mga trabahante sa Boracay.

Bagamat na nagkaroon daw ng bagal sa pagproseso nito at nagdudulot ng abala sa mga empleyado nitong taon, nagpaalala naman ang LGU-Malay na asikasuhin na ito ng mas maaga.

Samantala ,pinasiguro naman ng Boracay Redevelopment Task Force na tuloy ang pamimigay nila ng Certificate of Compliance sa mga establisyementong patuloy na nagsi-self correct sa mga violation na nalabag.

Layon di-umano ng Executive Order na makuha ang kooperasyon ng bawat establisyemento para lalong lumakas ang industriya ng turismo sa Boracay.

4 comments:

  1. Saludo ako sa pamunuan ng malay mabuhay po kayo, nawanito ay maging isangbdaan sa matiwasay at magandang pamamalakad at pamumuno ng ating mga opisyal, mabuhay din ang yes fm

    ReplyDelete
  2. Saludo ako sa pamunuan ng malay mabuhay po kayo, nawanito ay maging isangbdaan sa matiwasay at magandang pamamalakad at pamumuno ng ating mga opisyal, mabuhay din ang yes fm

    ReplyDelete