Pages

Monday, December 02, 2013

DOT Boracay, nakahandang makipagtulungan sa Dept. of Health, kaugnay sa pagdiriwang ng World Aids Day

Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay

Nakahandang makipagtulungan sa Dept. of Health ang Department of Tourism o DOT Boracay sub-office para sa pagdiriwang ng World Aids Day.

Ayon kay DOT Boracay Officer in charge Tim Ticar, naghihintay pa sila ng mandato mula sa main office ng Dept. of Tourism tungkol sa gagawing programa para sa nasabing pagdiriwang.

Nakikipag-ugnayan din umano sila sa mga taga Rural Health Unit (RHU) upang mabigyan ng mga kaukulang impormasyon ang mga turista sa Boracay tungkol sa HIV/AIDS o Human immunodeficiency virus infection at acquired immunodeficiency syndrome.

Kaugnay nito, nagpaalala din si Ticar sa mga bisita tungkol sa safety ng kani-kanilang mga sarili.

Isang family oriented tourist destination umano kasi ang Boracay, kung kaya’t dapat na panatilihing maging wholesome.

Samantala sinabi pa ni Ticar na naghihintay pa sila ng instructions sa main office ng Dept. of Tourism kung ano ang mga programang kanilang ma-i-oorganize ukol sa “World Aids Day”.

Ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Disyembre ang World AIDS Day upang magkaisa ang lahat na labanan ang nakakamatay na HIV.

No comments:

Post a Comment