Ni Bert Dalida Yes FM Boracay
Nangako ngayon ng patuloy na suporta sa tourism industry ng
Boracay ang BFI o Boracay Foundation Incorporated.
Ayon kay BFI President DIONISIO “Jony”SALME, patuloy
nilang tutulungan ang pamahalaang probinsya ng Aklan at LGU Malay, upang lalong
ipromote ang turismo sa isla.
Ito’y matapos mabigo ang provincial government ng Aklan
na maaabot ang target na 1.5 million tourist arrival ngayong 2013.
Nabatid na nakapagtala lamang ng 1,338,789 na mga turista
mula Enero 1 hanggang Disyembre 26, 2013 ang isla ng Boracay.
Kung saan, aminado maging si Salme tungkol dito, lalo
pa’t marami ang nagpakansela ng bookings sa isla dahil sa pananalasa ng Super
Typhoon Yolanda kamakailan lang.
Magkaganon paman, sinabi nito na maaabot parin ang
nasabing target, lalo pa’t unti-unti na ring bumabalik sa normal ang suplay ng
kuryente, kumunikasyon, at maging ang mismong tourist arrival sa isla.
No comments:
Post a Comment