Pages

Friday, November 29, 2013

Ordinansa hinggil sa mga mesa at upuan sa beach front, pa-iigtingin ngayong Disyembre

Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Matapos ang magandang epekto ng pagpapatupad ng 25+5 easement ng Boracay Redevelopment Task Force sa isla, simula ngayong Disyembre ay tututukan naman nila ang mga regulasyon sa vegetation area.

Bagamat pinapayagan ang paglatag ng mga upuan at mesa simula alas-singko ng hapon hanggang alas-sais ng susunod na araw, ipagbabawal naman ang paglatag ng mga sumusunod sa vegetation area kagaya ng buffet table, cooking station, portable bar, grilling machines at mga beach umbrellas.

Ayon sa Municipal Ordinace No. 183, S. 2003, ang mga lalabag ay magmumulta ng P2, 500, pagkakulong ng hindi lalagpas ng labing limang araw, at pag-kumpiska ng mga gamit o straktura na ipinagbabawal.

Dagdag pa ng task force, isang prebilehiyo ang pag-gamit ng vegetation area rason na hindi ito dapat paglatagan ng anumang paninda ng isang establisemyento at sa halip ay mesa at upuan lamang.

Ang pagpaigting ng ordinansa ay naglalayon umanong mapangalagaan ang puting buhangin sa beachfront at para sa patuloy na paglago ng industriya ng turismo sa isla.

2 comments:

  1. may regulasyon ba sa oras ng paglatag ng beachbed?

    ReplyDelete
  2. kasama ba ang hennan group sa batas na ito? boracay regency at iba pang kompanya ng chairman ng BFI ay tila "above the law" sa mga ganitong ordinansa diba? number 1 da best sila sa ganun! hahaha

    ReplyDelete