Pages

Monday, November 04, 2013

Mga natitirang temporary structure, sinimulan nang baklasin ng Redevelopment Task Force

Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Sinimulan na ang pagbaklas ng mga temporaryong straktura sa vegetation area na hindi pa nag-comply matapos na suyurin ito ng mga taga Redevelopment Task Force kahapon.

Unang sinampolan ang malawak na tent area ng Sand Bar sa Station1 Balabag at ang katabi nitong Bamboo Lounge na sinasabing pagmamay-ari ni Mark Singson.

Ayon sa task force , ang kinontratang construction firm ang siyang nagbaklas alinsunod sa animnapung araw na palugit na kung saan nagtapo
s nitong katapusan ng Oktubre.

Ayon kay Boracay Redevelopment Task Force Chairman Glenn SacapaƱo, sapat na di-umano ang 60 araw para tumalima sa itinakdang panahon at ginawa lang umano nila ang nararapat para hindi maging unfair sa mga nauna ng nag-comply.

Bagamat wala namang paghadlang na nangyari sa panig ng Sand Bar, inaasahan naman nito na maaayos ang kanilang problema dahil nasa korte na umano ang nabanggit na usapin.

Inaasahan naman na magsusunuran na rin ang hindi pa nagbaklas ng kanilang mga temporaryong istraktura sa Boracay pagkatapos ng isinagawang operasyon sa 25+5 easement ng Redevelopment Task Force.

No comments:

Post a Comment