Pages

Wednesday, November 27, 2013

Klase sa ibat-ibang paaralan sa Aklan, hindi parin nakakabalik sa normal ayon sa DepEd

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM, Boracay

Hindi parin umano nakakabalik sa normal ang klase sa ibat-ibang paaralan sa Aklan matapos manalasa ang bagyong Yolanda.

Ayon kay Deped Aklan Division Disaster Risk Reduction Management Coordinator Jessie Y. Gerardo, matindi ang naging pinsala ni Yolanda sa probinsya kung saan halos lahat umano ng mga paaralan ay apektado nito.

Dahil dito napagkasunduan muna ng DepEd na magkaroon ng shifting sa pag-kaklase sa mga bata para may magamit na silid-aralan ang ibang mag-aaral.

Base sa isinagawang report ni Gerardo karamihan sa mga nasira ay ang mga bubong ng paaralan kung saan natumbahan din ito ng mga punong kahoy at nasira ang mga gamit dulot ng ulan at malakas na hangin.

Bukod naman sa mga apektadong paaralan, apektado rin ngayon ang mga mag-aaral dala ng pagkasira ng kanilang mga bahay.

Samantala, gumagawa na ngayon ng hakbang ang Department of Education (DepEd) para maipaayos ang mga nasirang paaralan.

No comments:

Post a Comment