Pages

Wednesday, November 27, 2013

DOT Boracay, pinabulaanang bumagsak sa 50% ang tourist arrival sa Boracay

 Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinabulaanan ngayon ng Department of Tourism (DOT) Boracay na bumagsak sa limampung porsyento ang tourist arrival sa isla ngayong Nobyembre.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, hindi umano totoong bumagsak ang tourist arrival sa isla sa kabila ng lumabas na balita sa telibisyon kaninang umaga.

Aniya, nasa labin anim na porsyento lamang ang ibinaba ng turismo ngayong buwan at bababa pa umano ito bago matapos ang Nobyembre.

Sa inilabas namang rekord ng Caticlan jetty port umabot sa 86,090 ang pumasok na turista sa Boracay noong Nobyembre 2012 kumpara ngayong buwan na nasa 64,092.

Aminado naman si Ticar na madadagdagan pa ito ngayong weekend na posibling umabot din sa 86,090.

Karamihan naman umano sa mga turistang naitalang pumunta sa Boracay ngayong buwan ay mga foreign tourist na umabot sa 35,946 na sinundan ng mga Pinoy na nasa 26,605.

Nangunguna naman dito ang mga Chinese tourist na pumalo sa 11, 298 at sinundan ng Korean tourist na umabot ng 10, 685.

Isa naman sa tinitingnang rason ngayon ng DOT kung bakit bumaba ng kaunti ang tourist arrival ay dahil sa pananalasa ng bagyong Yolanda kung saan may mga turistang nagkansela ng kanilang bookings sa mga resort.

No comments:

Post a Comment