Pages

Wednesday, November 27, 2013

AKELCO, maaaring magtaas ng singil sa kuryente sa mga susunod na buwan

Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay

Maaaring magtaas ng singil sa kuryente ang Aklan Electric Cooperative o AKELCO sa mga susunod na buwan.

Ito’y kapag hindi pa rin agad natapos ng NGCP ang pagsasaayos ng kanilang mga transmission lines na nasira dulot ng bagyong Yolanda.

Kapag nagkaganon, magpapatuloy lamang ang AKELCO sa pagkuha ng kuryente sa GBPC o Global Business Power Corporation na isa namang Diesel Power Plant sa Nabas, Aklan, at kasalukuyang nagsusuplay ng kuryente sa Malay at Boracay.

Samantala, base naman sa advisory ng AKELCO, Maaaring aabot sa trese otsenta’y siyete pesos per kilowatt hour ang kanilang singil sa kuryente, dahil ang GBPC power plant ay gumagamit ng krudo.

Kaugnay nito, hinikaya’t ng AKELCO ang lahat ng member consumer nito na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Nabatid na ang AKELCO ay kumukuha ng suplay ng kuryente mula sa iba’t-ibang power suppliers.

No comments:

Post a Comment