Pages

Monday, October 07, 2013

Text2teach project ng Ayala foundation, pormal nang naibigay sa distrito ng Malay

Ni Jay-ar M.  Arante, YES FM Borcay

Pormal nang naibigay sa District Malay ang Text2Teach project ng Ayala foundation nitong Miyerkules sa isla ng Boracay.

Dinaluhan naman ng ito ng ilan sa mga namumuno ng nasabing foundation sa pangunguna ni Dino Rey Abellanosa Senior Manager and Head for Visayas Operations.

Dito ibinahagi ng Ayala Foundation sa mga dumalo kung ano ang kahalagahan ng nasabing proyekto.

Mismong si Aklan Schools Division Superintendent Dr. Jesse M. Gomez naman ang dumalo sa nasabing okasyon para pormal na magpasalamat.

Ayon naman kay Malay Public District Supervisor Jesie S. Flores.

Ang Text2Teach project umano ay isang teknolohiyang makakatulong sa mahihirap na aralin sa Grade 5 at Grade 6 pupils sa Distrito ng Malay.

Napakalaki din umano itong tulong sa mga guro dahil hindi na sila mahihirapang magbigay ng mga asignatura sa mga mag-aaral gamit ang ibat-ibang education materials.

Aniya, sana makapagbigay ito ng pagkakaiba sa academic performance ng kanilang mga mag-aaral sa Malay.

Samantala, walong mga paaralan sa nasabing bayan ang nakatanggap ng isang pakete mula sa Ayala na naglalaman ng mobile phone, isang prepaid SIM card, at isang 29-inch colored television na gagamitin sa pag-aaral.

Nabatid na ang Text2Teach ay isang programa na nagdadala ng educational content sa mga pampublikong paaralan sa elementarya sa pamamagitan ng mga video na nai-download sa pamamagitan ng Short Messaging System (SMS).

No comments:

Post a Comment