Pages

Tuesday, October 15, 2013

Philippine Coastguard, pinayuhang maging mahinahon ang publiko sa Boracay, kaugnay sa nangyaring lindol sa Bohol

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Pinayuhan ngayon ng Philippine Coastguard ang publiko sa Boracay na maging mahinahon, kaugnay sa nangyaring lindol sa Bohol.

Ayon kay Coastguard Caticlan Detachment Chief Petty Officer Pedro Taganos.

Normal naman ang biyahe ng mga bangka sa Caticlan papuntang Tambisaan Port, sa kabila ng pagpapakansela naman ng Philippine Coastguard sa paglalakbay ng mga bangkang pandagat sa Cebu at Bohol.

Naramdaman ang 7.2 na lindol pasado alas otso kaninang umaga , maging dito sa isla ng Boracay, kung saan nag-fluctuate ang suplay ng kuryente.

No comments:

Post a Comment