Pages

Tuesday, October 01, 2013

Pag-aksyon sa problema kaugnay sa pamamalimos ng mga bata sa Boracay, nasa plano na ng munisipyo

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay


Nasa plano na ng munisipyo ng Malay ang pag-aksyon sa problema kaugnay sa pamamalimos ng mga bata sa Boracay.

Ayon kay Balabag Barangay Captain Lilibeth SacapaƱo, kailangan nila ang kooperasyon ng publiko at ng mga stakeholders lalo pa’t kulang na kulang umano ang puwersa ng DSWD o Department of Social Welfare and Development.

Bagama’t nagdagdag na ng isang social worker ang munisipyo, kailangan pa rin umano nila ng tamang panahon upang matutukan ang nasabing problema.

Itinanggi naman ni ‘kap’Lilibeth na pinababayaan nila ang mga batang namamalimos sa vegetation area ng isla.

Samantala, naniniwala naman si ‘kap’Lilibeth na isang special case para sa industriya ng turismo ang Boracay kung kaya’t dapat itong ingatan.

No comments:

Post a Comment