Pages

Wednesday, October 09, 2013

Mga ma-iingay na motorsiklo sa Boracay, bibigyan pansin ng Malay MTO

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bibigyang pansin ng Malay Municipal Transportation office (MTO) ang mga maiingay na motorsiklo sa isla ng Boracay.

Ito ay kaugnay sa mga reklamo ng ilang turista at mga residente tungkol sa matinding ingay at polusyon na idinudulot ng mga ito.

Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, Nakikipag-ugnayan na sila sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) at sa MAP para masolusyonan ang nasabing problema.

Aniya, 24/7 namang naka antabay ang Malay Auxiliary Police para magbantay sa mga lumabag sa kanilang ordinansa.

Mahigpit din umano nilang ipinagbabawal ang paglagay ng radyo sa mga motorsiklo kung saan pinapatogtog nila ito ng malakas na nakakaagaw atensyon sa ilang motorista.

Dagdag pa ni Oczon kadalasan sa mga may-ari ng maiingay na motorsiklo ay ang mga lasing na driver mula sa ilang mga bar sa Boracay.

Nananawagan naman ngayon ang MTO sa mga taga Boracay na huwag maging pasaway at maging environmental friendly para sa ikakaunlad ng isla.

No comments:

Post a Comment