Pages

Tuesday, October 08, 2013

Metrology Center, bukas na sa Aklan

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Makakasiguro na ang mga Aklanon na tama sa timbang ang kanilang binibili sa mga tindahan.

Bukas na kasi ang serbisyo ng Provincial Metrology Center (PMC) sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay Aklan Provincial Science and Technology Director Jairus Lachica.

Ang PMC ay magpapatupad ng inspeksyon at pagselyo sa mga timbangan na iniuutos ng Philippine Metrology Laws base sa Philippine Commission Act No. 1519.

Dagdag pa nito, ito rin ang syang magiging satellite office ng National Metrology Laboratory ng Pilipinas sa ilalim ng DOST-Industrial Technology Development Institute (ITDI).

Samantala, sinabi pa nito na  isasagawa naman ang monitoring sa bayan ng Malay, lalo na sa isla ng Boracay sa pamamagitan ng pag-request sa kanilang tanggapan sa Provincial Capitol sa bayan ng Kalibo.

Nabatid na ang nasabing Metrology Center ang kauna-unahan at kaisa-isang "accredited" laboratory sa Aklan na magbabantay laban sa mga hindi tamang kilohan, na magkaka-calibrate at magse-selyo sa mga ito.

No comments:

Post a Comment