Pages

Friday, October 11, 2013

LTO, sinanay ang mga police at traffic enforcers para sa breathalyzer machines

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sinanay ng mga taga Land transportation office (LTO) ang mga police at traffic enforcers sa paggamit ng gadgets katulad ng breathalyzer machines sa buong Region 6.

Ito ay kaugnay sa panibagong batas na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang Mayo bente siyete.

Basi sa nakalap na impormasyon sinabi ni LTO Regional Director Dennis Singson sa kaniyang pagbisita sa Bacolod City na nagsimula na itong ipatupad noong Setyembre bente uno.

Napag-alaman na sinabi nitong magsasanay ang mga police at traffic enforcers kung paano gamitin ang gadgets katulad ng breath analyzer machines at kung paano mag-conduct ng sobriety test.

Sasanayin din ang mga law enforcers kung paano malalaman ang legal Blood Alcohol Content o Concentration (BAC) ceiling.

Ang nasabing BAC ay ratio ng alcohol sa dugo at sinusukat ng breathalyzer.

Ikinatuwa naman ng LTO Aklan ang bagong batas na ito na malaking tulong sa kanila para mabawasan ang mga aksidente na nangyayari sa pagmamaneho ng lasing.

No comments:

Post a Comment