Pages

Wednesday, October 16, 2013

KASAFI, todo na ang preperasyon para sa 2014 Ati-Atihan Festival

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Todo na ang preperasyon ng mga organizer ng Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan Foundation Inc. (KASAFI) para sa sa 2014 Ati-Atihan Festival.

Ayon kay Kasafi chairman Albert MeƱez, nasa pitumpung porsyento na ang kanilang paghahanda ngayon para sa napakalaking event sa probinsya ng Aklan.

Aniya, ngayong darating na Oktobre bente-singko ay magkakaroon ng opening salvo sa bayan ng Kalibo bilang pagbubukas ng nasabing festival.

Isa umano sa mga gagawing aktibidad ay ang body painting at susundan pa ng ibat-ibang programa kabilang na ang pagtatanghal ng ilang sikat na artista.

Bilang paghahanda nagkaroon naman sila ng meeting nitong Linggo para sa allocation ng budget ng mga sasaling tribo sa street dance competition sa darating na buwan ng Enero.

Sinisiguro naman ngayon ng Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan Foundation Inc. na magiging maganda ang gaganaping 2014 Ati-Atihan Festival.

No comments:

Post a Comment