Pages

Thursday, October 10, 2013

Ilang kabataan sa Aklan, tutol sa pag-abolish ng Sk election

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tutol ang ilan sa mga kabataan sa probinsya ng Aklan sa pag-abolish ng Sk election ngayong nalalapit na halalan.

Ayon kay Aklan Sk Provincial Federation at Regional Director for Western Visayas President Bob Augusto F. Legaspi.

Tanggap nilang mga Sk na magtatapos na ang kanilang termino ngayong taon pero hindi umano nila matatanggap na ma-aabolish na ito.

Nanghihinayang umano siya sa pagkatanggal ng Sk dahil may malaking papel din naman itong ginagampanan sa bansa.

Dagdag pa ni Legaspi marami narin ang kanilang napag-daanang training na nakatulong sa kanila bilang leader ng mga kabataang pinoy.

Ilan umano sa kanilang ginawa ay ang pagkakaroon ng mga lakbay aral na nakahubog sa kanila bilang responsabling kabataan at kung paano mamuno sa mamamayan ng tama at may dignidad sa sarili.

Matatandaan na nito lamang buwan ng Setyembre ay nagkaroon ng Sk Regional End-Term Congress  sa Boracay para talakayin ang nasabing usapin.

Samantala, mismong si Senator Bongbong Marcos ang nag-akda ng SK poll postponement na naging ganap na batas matapos lagdaan ni Pangulong Aquino noong nakaraang Oktubre tres.

No comments:

Post a Comment