Pages

Tuesday, October 15, 2013

Ginagawang siguridad para sa pagdating ng cruise ship sa Huwebes, puspusan na

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Puspusan na ang ginagawang siguridad ng Boracay PNP at ng PCG para sa pagdating ng MS Superstar Gemini sa Huwebes.

Una nang nagpahayag si Boracay PNP Chief PS/Insp. Joeffer Cabural na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang gagawing siguridad.

Nabatid na sa bawat lugar na pupuntahan ng mga turistang sakay ng barko ay may mga pulis na nakaantabay hanggang sa makabalik na ang mga ito sa barko.

Ayon naman sa mga taga Philippine Coastguard (PCG) Caticlan nakahanda narin ang kanilang grupo para dito.

Anila, kabilang sila sa mga dadalo sa gagawing meeting bukas sa Boracay para sa panghuling paghahanda sa malaking event sa isla.

Nagpahayag pa ang mga taga PCG na may-hinihintay pa silang sulat mula sa jetty port administration kung alin pa ang magiging papel nila maliban sa pagbabantay ng barko sa karagatan.

Samantala, ang MS Superstar Gemini ay dadaong sa araw ng Huwebes petsa disi-siyete kung saan isang kilometro ang layo mula sa Cagban Port.

Inaasahan naman ang pagdating nito alas sais ng umaga at babalik ng Maynila patungong China ng alas tres ng hapon ng nasabi ring araw.

No comments:

Post a Comment