Pages

Monday, October 14, 2013

Electric Tricycle, sisimulan ng ideliver sa Boracay ngayong buwan

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Sisimulan ng ideliver ng Gerweiss Motors Corporation ang electric tricycle(e-trike) ngayong buwan ng Oktobre sa isla ng Boracay. 

Ayon kay Gerweiss Motors Corporation President and CEO Sean Gerard Villoria, Bago magtapos ang buwang ito ay maidadala na dito ang nasabing sasakyan mula sa Maynila para maumpisahan ng maipasada.

Aniya, mahigit sampu hanggang tatlumpung mga e-trike ang dadalhin nila at susundan pa ito kada katapusan ng buwan hanggang sa makumpleto ang kanilang target.

Nauna na nitong ipinahayag na dapat ay nitong nakaraang buwan pa ang kanilang delivery pero sa hindi inaasahang pagkakaton ay naantala ito.

Nabatid na ito ang magiging pamalit sa mga tricycle na bumibiyahe ngayon sa isla para mabawasan ang polusyon at matinding trapiko.

Ilan namang mga taga Boracay ang nagpahayag na matagal na nilang inaatay ang pagdating nito bilang pandagdag atraksyon sa isla.

Samantala, ang Boracay ang kauna-unahang lugar sa bansa na may mag-pampasadang electric tricycle.

No comments:

Post a Comment