Pages

Monday, October 21, 2013

DOT-Boracay at BFI, nanghinayang sa pagkasibak sa puwesto ni Boracay PNP Chief Joeffer Cabural

Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay


Nalulungkot ang mga taga DOT-Boracay sa pagkakasibak ni Boracay PNP Chief of Police Joeffer Cabural.

Ani Department of Tourism DOT–Boracay, Officer in Charge, Tim Ticar nanghihinayang ito dahil marami pa sana silang mga programa na pagsasamahan.

Sabi pa ni Ticar, napaka-cooperative kasi nito sa lahat ng mga programa ng DOT-Boracay at aktibo sa paggawa ng mga solusyon sa krimen dito sa isla.

Samantala nagpahayag rin ng pagkadismaya ang BFI o Boracay Foundation Incorporated President na si Jony Salme sa pagka relieve ni Cabural.

Naging partner kasi nito ang pulis sa BAG o Boracay Action Group.

Kaya malaking kawalan daw talaga ito para sa kanila sapagka’t masipag at maganda ang performance na ipinapakita ng nasabing hepe.

Dagdag pa ni Salme, malaki ang naging kontribusyon ni Cabural sa BFI dahil palagi daw siyang nandyan kapag kinakailangan.

Si Police Senior Insp. Joeffer Cabural ay mahigit ding isang taong naging kasama ng BFI at DOT sa pangangalaga ng isla.

Subali’t nitong nagdaang linggo ay kasama ito sa sinibak ni mismong Philippine National Police Director General Alan Purisima, dahil sa umano’y paglabag sa istriktong command policy tulad na lamang ng tamang crime statistics reporting.

No comments:

Post a Comment