Pages

Tuesday, October 29, 2013

Dalawang lalaking nagtutulak ng shabu sa Boracay, timbog sa ginawang buy bust operation ng mga kapulisan

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kalaboso ang dalawang lalaki sa isla ng Boracay matapos mahuling nagtutulak ng droga sa magkaibang operasyon ng mga otoridad nitong nakaraang araw.

Sa pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Provincial Intelligence Branch Operative (PIBO), Police Regional Office (PRO)-6 at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nahuli ang suspek na si Ronnie Diamante, 49, residente nang Sorsogon at presenteng naka-tira sa Brgy. Balabag sa isla.

Inaresto ng mga otoridad ang suspek ng aktong binintahan ang isang poseur-buyer.

Sa ginawa namang body search sa kaniya ay nakuha pa ang dalawang sachet ng shabu at isang libong marked money.

Samantala sa isa pang ginawang operasyon na-aresto naman si Alvin Gelito, residente nang Brgy. Manoc-Manoc Boracay na nakuhaan ng anim na plastic sachet ng shabu sa pamamagitan ng warrant of arrest.

Ang dalawang suspetsado ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment