Pages

Saturday, September 21, 2013

Mga ilegal na Tour guides at komisyoner sa Boracay, pinaalalahaan ng TREU

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinaalalahanan ngayon ng Tourism Regulations Enforcement Unit (TREU) ang mga lokal at dayuhang Tour guides at komisyoner sa isla ng Boracay.

Ayon kay Malay Tourism Regulations Enforcement Unit Head Wilson Enriquez, kahit hindi niya nasasakopan ang mga komisyoner sa Boracay ay dapat parin umanong sumunod sila sa batas na ipinapatupad ng LGU Malay.

Maging ang mga tour guides umano ay dapat ding sumunod sa mga ordinansang ipinatutupad ng nasabing bayan.

Aniya, kinakailangan ng mga ito na magparehistro sa LGU Malay para mabigyan sila ng kaukulang permit na makapag operate.

Patuloy naman umano ang kanilang isinasagawang pag momonitor sa mga ito at kung mapapatunayan na hindi sila rehistrado ay maari silang pagbayarin ng penalidad.

Dagdag pa ni Enriquez, marami pang mga dayuhang komisyoner at tour guides sa isla ang hindi pa rin nagpaparehistro sa munisipyo at wala pang Mayor’s Permit.

Samantala, nagpaalala si Enriquez sa mga ito na sumunod na lamang sa mga ipinapatupad na batas para maging patas naman sa iba.

1 comment:

  1. paano po kung di sumunod? marami kasing ng act as tour guide na wala namang proper training, sana may magsponsor ngtraining, for a minimal fee para afford nila ,may exam after the training, may evaluation and if they pass they get a permit kasi hindi naman sila totally mawawala and dala nila ang Isla, representative sila ng island pero hindi sila aware dito, priority nila is to earn, yun nga lang suot nilang no smoking by the beac na tshirts, di nila alam sundin, sila ang pinakamaraming upos ng sigarilyo na tinatapon sa beach. dapat may seminar sila in the local dialect

    ReplyDelete