Pages

Thursday, August 22, 2013

Renobasyon ng mga silid-aralan, hinihintay pa ng Boracay National High School

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Hinihintay pa ngayon ng Boracay National High School ang renobasyon ng kanilang mga silid-aralan na patuloy paring pinapasok ng tubig-baha.

Ayon kay Boracay National High School Prinicipal II Jose Niro Nillasca, may pondo na ang lokal na pamahalaan ng Malay para tuluyan ng masolusyonan ang nasabing problema.

Sa ngayon umano ay patuloy paring pinapasok ng tubig ang kanilang paaralan lalo na’t mababa ang lugar na kinatatayuan nito.

Aniya, nakakatulong naman ang pagpapadala ni Balabag Barangay Captain Lilibeth SacapaƱo ng siphoning machine para higupin ang tubig-baha sa nasabing paaralan.

Dagdag pa nito, nakapag-conduct na rin ng inspeksyon ang opisina ng engineering office ng Malay para tingnan ang maaring gawin sa mga silid aralan.

Balak din umanong taasan ang flooring ng mga sahig sa kwarto para kahit papano ay hindi ito mapasok ng tubig.

Nagpapasalamat naman si Nillasca, dahil kahit papano ay naayos na ang daanan sa Bolabog na madalas din ay binabaha at nadadamay ang kanilang paaralan.

Samantala, patuloy naman silang umaasa na tuluyan nang masulosyunan ang problemang ito at bumalik na sa normal ang kanilang klase.

No comments:

Post a Comment