Pages

Monday, August 19, 2013

Mga residente at lokal na opisyal ng Yapak, nagtulungan sa paglinis ng mga basura sa baybaying dagat

Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay

Kung matatandaan, ang habagat ang sanhi ng pagdagsa ng mga basura sa baybayin ng Boracay.

Ganito rin inihalintulad ni MRF Monitoring Officer Divy Casidsid ang sitwasyon ng beach sa Barangay Yapak.

Ngunit dahil sa pagtutulungan ng mga beach cleaners, vendors, mga residente ng lugar at ng mga taga MRF ng nasabing barangay ay unti-unti nang nababawasan ang mga basura doon.

Dagdag pa ni Casidsid, isang truck ng basura ang kanilang nahakot noong Sabado at hanggang kahapon patuloy pa rin ang operasyon linis ng mga ito.

Kakaunti lang kasi ang mga tao sa MRF Yapak sa ngayon dahil sa hiniram ni Island Administrator Glenn SacapaƱo ang mga ito upang tumulong sa paglilinis sa long beach.

Samantala, nakiusap naman si Casidsid sa iba pang mga residente na tumulong na lang sa paglilinis ng mga basura na dala ng habagat, at huwag na lang sana umanong maliitin ang mga barangay officials.

Magkaganoon pa man, nagpapasalamat din ito sa mga taong nakakaintindi at tumutulong sa kanila.

No comments:

Post a Comment