Pages

Monday, August 05, 2013

Mga MAP sa Boracay dadagdagan na

Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay

“Kung sa akin lang gusto ko ring madagdagan ang mga MAP ngunit sa ngayon ay hindi pa.”

Ito ang naging pahayag ni Island Administrator Glenn SacapaƱo hinggil sa karagdagang MAP o Municipal Auxilliary Police sa Boracay.

At dahil sa 24 oras ang operasyon ng MAP, maging si SacapaƱo ay aminadong kulang ang bilang ng mga ito sa pagpapatupad ng mga ordinansa sa isla, katulad ng paghuli sa mga drayber ng habal-habal.

Anya, kulang sa badyet ngayong taon ngunit baka sakaling sa susunod na taon na lang maipapatupad ang nasabing plano ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Ginamit umano kasi ang badyet para sa anim na araw na training ng mga MAP kamakailan lang para mas masigasig pa umano ang mga ito sa kani-kanilang mga tungkulin.

Samantala kahit pa sabihin na kakaunti lang ang bilang ng mga ito sa 24 oras na operasyon nila.

Importante umano ay alam ng publiko na kahit papano ay namimintina ng mga ito ang kanilang tungkulin upang mabawasan naman ang pasaway dito sa isla ng Boracay.

1 comment:

  1. Bakit kaylangan pang dagdagan eh wala namang pag babago sa mga map..BAKIT?ang ibang MAP is so unfear ang tagal ko ng ng wowork dto sa boracay first time in my life natikitan kmi ng asawa ko for the reason is no helmet ang angkas..tapos ng tanong ako sa ng tiket sa amin na c DEPUTY LTO GAITE bakit? tinikitan kmi is my naunang ng ddrive ng motr no helmet ang driver no helmet at ang angkas ang sagot nya sa akin di nakita TAMA BA?eh isang kalsada lng ang dinaanan namin or ng papabulag bulagan lng cya dahil sa kilala nya ang ng ddrive?sana baguhin na nila ang style nila not once or twice na nonotice ko..hope sana mg pag babago rin sa mga MAP ng boracay..

    ReplyDelete