Pages

Friday, August 16, 2013

Mga batang hamog sa Boracay, nangingikil na, nanghaharass pa!

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay


"Dapat maaksyunan na ng pamahalan, lalo na ng lokal na pamahalaan at DSWD."

Ito ang sinabi ng isang concerned citizen sa Boracay tungkol sa mga “batang hamog” sa isla.

Maliban umano kasi sa pamamalimos, ay nangingikil at nagha-harass pa ang mga ito.

Ikinuwento ni “Harold”, hindi totoong pangalan, at pitong taon nang nagtatrabaho sa Boracay, na pagsapit ng alas-10:00 ng gabi hanggang madaling araw, ay makikita ang mga batang hamog na pagala-gala at namamalimos sa beach front.

Ang masaklap, nangha-harass na rin umano ang mga ito ng mga turista at maging ng mga lady boy.

Samantala, ayon pa kay “Harold”, ang mga batang hamog na ito na nasa 15-anyos pababa ay mistulang hinahayaan at ginagamit lang ng kanilang mga magulang.

Kaya naman ang bagay na ito ay dapat bigyang pansin ng mga kinauukulan upang hindi lumala sa Boracay na kilala sa buong mundo bilang number one tourist destination.

No comments:

Post a Comment