Pages

Thursday, August 15, 2013

APPO, aminadong kulang ang mga pulis sa Aklan

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Aminado ang Aklan Provincial Police Office (APPO) na kulang ang mga kapulisan sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay APPO Public Information Officer P03 Nida Gregas, kailangan nila ngayon na magdagdag ng mga PNP personnel dahil ang ratio umano ng isang pulis sa Aklan 1:1,500.

Ibig sabihin, may isang pulis lang para sa isanlibo at limandaang mamamayan.

Mas kailangan din umano nila ang mga kapulisan ngayon dahil na rin sa nalalapit na ang  barangay at SK elections.

Samantala, sa usaping naman ng illegal gambling sa nakawan sa Boracay ay wala pa umano silang ideya kung kinakailangan na ring magdagdag ng mga kapulisan dito para lalong mas mabantayan ang ganitong iligal na gawain sa isla.

No comments:

Post a Comment