Pages

Saturday, July 06, 2013

Pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa LGU Malay, ikinatuwa ni Mayor John Yap

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Ikinatuwa ni Mayor John ang pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa LGU Malay.

Sa eksklusibong panayam ng himpilang ito kay Malay Mayor John Yap, sinabi nito na hindi magiging maayos ang Boracay kung hindi makikibahagi at magmamalaskit ang lahat para sa isla.

Partikular na tinukoy ng alkalde ang partisipasyong ibinahagi ng ilang stakeholders para sa mga taga-Boracay PNP.

Maliban kasi sa isang daan at limampung pares ng sapatos na ibinigay ng taga Taiwan Chamber of Commerce sa mga magbibisikletang pulis sa isla.

Kinumpirma din mismo ni Mayor Yap na si Commodore Leonard Tirol ng Boracay Action Group ay nagdonate ng lupang pagtatayuan ng Boracay Tourist Action Center sa Barangay Manoc-manoc.

Kaugnay parin sa nasabing balita, naniniwala naman umano ang nasabing alkalde na maa-upgrade o lalong magiging mahusay ang mga kapulisan sa isla.

Samantala ginanap ang Ceremonial Ground Breaking of Boracay Tourist Police Training Center at Turn-over of Bicycle Patrol to Boracay Tourist Assistance Center kahapon, na dinaluhan naman ng mga taga LGU at stakeholders.

No comments:

Post a Comment