Pages

Saturday, July 06, 2013

DOT Boracay, patuloy na umaasa sa pagbabawal ng pag-gamit ng plastic sa isla

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Patuloy pa ring umaasa ang Department of Tourism sa pagbabawal sa pag-gamit ng plastic sa isla ng Boracay.

Ayon kay DOT Officer in Charge Tim Ticar, pabor umano ang kanilang tanggapan na maisabatas ang pagbabawal sa pag-gamit ng mga plastic na nagiging sanhi ng pagdami ng basura at pagbabaha sa lugar dito sa isla ng Boracay.

Aniya, mas lalo itong dapat na sundin sa mga palengke dito sa isla at hindi lang sa mga department stores dahil ang palengke umano ang mas malimit na gumamit ng plastic araw-araw dahil sa mga namimili.

Dagdag pa ni Ticar, kung wala nang gagamit ng plastic sa isla ay maaaring mabigyan pa ng hanap-buhay ang mga mamamayan sa pag-gawa ng bayong o anumang uri ng lalagyan ng mga pinamili.

Kung matatandaan, pumabor din ang ilang mga lokal na residente sa Boracay tungkol dito kung maisasabatas na ng LGU Malay ang nasabing usapin.

Naipatupad na rin sa ibang bahagi ng bansa ang pagbabawal sa pag-gamit ng plastic, at plano na rin itong ipatupad sa bayan ng Kalibo.

No comments:

Post a Comment