Pages

Tuesday, July 02, 2013

DepEd, may bagong programa para sa mga Indigenous People na mag-aaral sa Aklan

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

May bagong programa ngayon ang Department of Education (DepEd) Aklan para sa mga batang mag-aaral na Indigenous People (IP).

Ayon kay DepEd Aklan Guidance Coordinator III Rita Rey, ito ay base sa ordinansa ng DepEd Order No. 62 series of 2011.

Layunin umano nito na maturuan ang mga mahihirap na mag-aaral na hindi nakakapasok sa paaralan dahil sa kahirapan, at bilang karapatan na rin nila bilang mga batang Filipino.

Meron namang napili ang DepEd na apat na bayan sa probinsya ng Aklan kung saan kinabibilangan ito ng mga munisipalidad ng Libacao, Madalag, Numancia at Malay.

Dito din umano, bibigyan ng sapat na pagtuturo ang mga batang nabibilang sa indigenous groups, kung saan kabilang din ang mga katutubong Ati lalo na sa bayan ng Malay at sa isla ng Boracay.

Ituturo naman sa kanila ang kultura ng Pilipino, kahalintulad sa mga itinuturo sa ngayon sa mga paaralan.

Samantala, pinag-uusapan na ito ngayon ng DepEd - Aklan kung kailan magiging ganap na implementasyon ang nasabing programa para sa mga IP sa probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment