Pages

Friday, July 05, 2013

20 mountain bikes para sa mga pulis sa Boracay, iti-turn over na ngayong araw

Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay

Ngayong araw ay nakatakdang i-turn over sa mga miyembro ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang 20 units ng mountain bikes.

Ayon kay Boracay Tourist Assistance Center Chief Police S/Insp. Joeffer Cabural, ang naturang turn-over ceremony ay pangungunahan ni Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima.

Inaasahang dadaluhan din ito nina Provincial Governor Joeben Miraflores, Mayor John Yap, Department of Tourism (DOT) Regional Director Atty. Helen Catalbas, (Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Director for Region 6 Evelyn Trompeta, at ilang mga inimbitahang stakeholders sa isla.

Ang seremonya ay kasabay din ng ground breaking ceremony para sa ipapatayong PNP Tourist Training School sa Sitio Bantud, Brgy. Manoc-Manoc.

Ayon pa kay Cabural, ang kahalagahan ng naturang mga bisikleta ay hindi para makipag-kumpetensya sa mga motorsiklo, kundi upang mas mapadali ang agarang pag-responde sa anumang krimen sa isla.

Layunin din umano nito na mas mapalawak pa ang area of responsibility ng mga pulis lalo na sa oras ng pagpapatrolya ng mga ito.

Matatandaang 20 miyembro na ng BTAC ang sumailalim sa “bicycle training” dalawang linggo na ang nakakalipas sa Camp Delgado, Iloilo City.

Ito ang pinaka-unang batch ng training para sa bagong programang ito ng PNP, at ang unang pokus nito ay ang Western Visayas, partikular na sa tourist destination sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment