Pages

Tuesday, June 11, 2013

Swedish national na nagwala sa Boracay, nanuntok, nanipa, at nangagat ng pulis!

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

“Direct assault, resistance and disobedience upon person in authority.”

Ito ang kasong kakaharapin ng isang Swedish national na nagwala sa barangay Balabag kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang suspek na si Peter Khil, sa legal na edad at pansamantalang umuuwi sa barangay Manoc-manoc.

Sinasabing isang komosyon ang nirespondehan ng mga taga-Boracay PNP kung saan sangkot ang suspek.

Nang dalhin na umano ito sa ospital upang ipagamot ay patuloy pa rin nitong nagwawala at nakikipag-away sa kanyang katunggali.

Maging ang mga rumesponding pulis Boracay ay kanya pang pinagsusuntok, pinagsisipa at kinagat.

Nabatid na ang nasabing suspek ay may pending case dahil sa paglabag sa R.A 9262 o "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004".

Pansamantala naman itong ikinustodiya ng Boracay PNP at inihahanda ang kasong isasampa sa kanya.

2 comments: