Pages

Wednesday, June 12, 2013

Pagkakaroon ng zoo sa Boracay, welcome sa DOT Boracay

Ni Peach Ledesma, YES FM Boracay

Isang “welcome development” ang pagkakaroon ng isang zoo dito sa Boracay.

Ayon kay Department of Tourism officer in charge Tim Ticar, isang magandang idea ang pagkakaroon ng zoo dito sa isla dahil magiging dagdag na atraksyon ito sa mga turistang dumadayo dito.

Paborable din ito bilang dagdag na activity para sa mga bisita.

Pero dapat ay nasa tamang standard pa rin ang pag-aalaga sa mga hayop na ibibida sa isang zoo.

Dapat ay naaaalagaan din umano ng mabuti ang mga hayop at siguraduhin kung nasa listahan ba ito ng mga endangered species.

Dapat ay naha-handle din ng maayos ang mga hayop at marunong ang handler ng mga ito.

Ito ay para na rin sa kaligtasan at seguridad ng mga turista.

Ang nasabing usapin ay may kinalaman sa kumakalat na usap-usapan sa mga social networking sites na mayroon umanong nag-o-operate na zoo dito sa isla ng Boracay kung saan mayroong makikitang leon, tigre, at isang klase ng ahas.

Maaari pa umanong kunan ng litrato ng mga turista ang mga hayop na ito.

No comments:

Post a Comment