Pages

Thursday, June 20, 2013

Pagdagdag ng personnel sa Tambisaan Port, inilapit na ng Coast Guard sa LGU Malay

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay 

“Nakipag-coordinate na kami kay mayor.”

Ito ang sinabi ni PO1st Condrito Alvarez ng Coast Guard Boracay Detachment, kaugnay sa pagdagdag ng personnel o taong magbabantay sa Tambisaan Port sa Barangay Manoc-manoc.

Sa panayam ng himpilang ito kahapon kay Alvarez, inamin nitong problema nga sa Boracay ang kakulangan ng taong magbabantay sa gabi sa nasabing pantalan.

Kaya naman nakipag-coordinate na umano sila kay Malay Mayor John Yap upang malagyan ng tao ang Tambisaan Port.

Sa nasabing panayam din kahapon, ay nabuksan ang tungkol sa umano’y hokus-pokus ng ilang pang-gabing bangka sa Boracay.

Base sa nakarating na impormasyon sa himpilang ito, sinasabing may mga bangkang nagkakarga ng mga kargamentong walang kaukulang permit.

Hindi rin lingid sa publiko na may mga sasakyang nakakapasok sa mga cargo areas sa isla katulad ng mga motorsiklong walang anumang dokumento.

Naniniwala naman ang Coast Guard na kailangang magdagdag ng taong magbabantay para dito para masawata ang nasabing gawain.

Kaugnay nito, nanawagan din si Alvarez sa lahat ng mga bumibiyaheng bangka sa Boracay na sundin ang kung ano ang ipinapatupad na regulasyon dito.

No comments:

Post a Comment