Pages

Monday, June 10, 2013

Honorarium ng mga gurong nagsilbi noong nakaraang eleksyon, wala pa rin

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Dismayado pa rin ang ilan sa mga mga guro ngayon sa probinsya ng Aklan sa nagdaang eleksyon na nagsilbi bilang mga Board of Election Inspectors (BEIs).

Halos isang buwan na matapos kasi ang halalan ay hindi pa rin daw nila natatanggap ang kanilang mga honorarium.

Ayon kay Kalibo Acting Comelec Chairman Getulio M. Esto, nasa payroll na rin umano ang honoraria ng mga guro ngayon sa opisina ng Comelec at maaari na ring maibigay sa kanila.

Makukuha umano nila ang kanilang mga sahod sa kanilang munisipyo kung saan sila nagsilbi bilang BEIs.

Ayon pa sa Comelec Aklan, natagalan ang pagbibigay ng sahod sa mga guro dahil sa dami ng kanilang mga inaasikaso at sa dami ng problemang kinakaharap ng Comelec ngayon.

Samantala, iisa lamang ang probinsya ng Aklan sa napakaraming lugar sa bansa na hindi pa nabibigyan ng nasabing honorarium hanggang sa ngayon.

No comments:

Post a Comment