Pages

Saturday, June 29, 2013

"Hindi sapat ang sinasahod namin!" --- mga mangagawa sa Boracay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Umalma ngayon ang ilang mga manggawa sa isla ng Boracay tungkol sa kanilang kinikitang sahod na natatanggap kada buwan.

Sa isinagawang Public Consultation on Wage Issues ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) IV ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon sa isang resort dito sa isla ng Boracay ay ipinaabot ng mga dumalong empleyado at employers mula sa ibat-ibang hotels dito sa isa at sa probinsya ng Aklan ang kanilang mga katanungan sa miyembro ng RTWPB.

Basw sa mga naging pahayag ng mga employers sa miyembro ng RTWPB ay sadyang hindi sapat ang kanilang kinikita kahit sabihin pa na may natatanggap pa silang mga incentives mula sa kanilang pinapasukang trabaho.

Anila, kulang pa rin ito dahil sa mahal ng gastusin dito sa Boracay at maging ang mga inuupahan nilang tirahan.

Sa ngayon ay pinag-uusapan na ng RTWPB ang kanilang magiging hakbang sa mga naipaabot ng mga empleyado tungkol sa pag-alma nila sa sahod at sa gusto din nilang pagtaas ng kanilang minimum wage.

1 comment:

  1. tama po un, sa mahal ng mga bilihin d2 sa isla di na halos mabili ng mga empleyado ang mga gusto nlang bilhin. lahat kasi tumataas pwera sa sahod o kinikita ng mga manggagawa d2 sa isla. at isa pa mapa turista o ordinaryong mamamayan sa isla pareho lang ang presyo sa bawat bilihin pano sasapat ang knikita namin d2? ang masaklap pa pati boarding houses over pricing din naman, 2500 or 3000 a month na bhaws tas pagkain sa araw2 pamasahe, ei magkano lang ba ang sahod ng empleyado d2 sa isla amonth? mas malaki pa ang utang namin sa kinikita namin d2. sana taasan naman ung minimum wages ihanay naman sana sa mga lungsod na gaya sa iba hindi ung province rate lang isla ito ei. mas mabilis pa ksi ung pagpapatayo ng mga building d2 ksa ang pagtaas ng kita ng mga empleyado.

    ReplyDelete