Pages

Thursday, May 23, 2013

Seminar para sa Employees Compensation Program ng DOLE dinaluhan ng mahigit 100 partisipante sa Boracay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Dinaluhan ng mahigit 100 partisipante kaninang umaga ang programa ng Department of Labor and Employement (DOLE).

Ilan sa mga dumalo sa nasabing programa ay ang lokal na gobyerno ng Malay, Human Resource (HR) mula sa ibat-ibang hotels sa isla ng Boracay, gayon din ang iba’t-ibang empleyado ng gobyerno sa probinsiya ng Aklan.

Ayon kay Employees Compensation Commission Chief Information and Public Assistance Division Ma. Cecilia Maulion, ang programa umanong ito ay para matulungan ang mga empleyadong nagtratrabaho saanmang sektor sa ating bansa.

Ang nasabing Employees Compensation Commission ay isang gabay sa pribado at pampublikong sektor para sa mga empleyadong umaasa na matulungan kung sila ay ma-aksidente sa trabaho o kaya magkasakit habang sila mismo ay nag tratarabaho sa kumpanyang pinapasukan nila.

Dapat umanong bigyang tugon ito ng kanilang HR department o maging ng kanilang mga managers.

Dagdag pa dito, ang programang ito ay inilunsad para magkaroon ng awareness ang mga empleyado at magkaroon din umano sila ng sapat na benipisyo kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa mga ito.

No comments:

Post a Comment