Pages

Wednesday, May 15, 2013

Sa kabila ng mga di pagsang-ayon, alkalde ng Buruanga, nakasandal sa deklarasyon ng Comelec sa kaniyang panalo

Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay

Idineklara na kahapon ng Comelec Buruanga ang mga kandidatong nanalo mula sa Alkalde hanggang sa konsehal.

Kung saan idineklara ng Comelec sa Buruanga bilang Alkalde si Quezon Labindao.

Ngunit kasabay nito ay marami ang nagbigay ng di pag-sang ayon sa naturang deklarasyon ng Comelec kung saan ayon sa natanggap na mga reklamo ng himpilang ito ay wala umanong katotohanan ang inihayag ng Comelec.

Hindi rin umano matanggap ng kampo ng kalaban ni Labindao na si Atty. Daniel Cahilig na ang incumbent Mayor pa rin ang nanalo.

Ngunit sa naging panayam kay Labindao, sinabi nitong paninira lamang ng kaniyang mga kalaban ang mga kumakalat na di-umano’y protesta kaugnay sa kaniyang panalo.

Wala na rin umanong magagawa ang mga ito dahil proklamado na ito ng Comelec, katunayan maging siya ay nakasandal din at naniniwalang siya ang nanalo base na rin sa naging deklarasyon ng Comelec doon.

No comments:

Post a Comment