Pages

Sunday, May 12, 2013

Mga establishemento sa Boracay, humabol ng aplikasyon para sa exception ng liquor ban

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Humabol na umano ang mga establishemento sa Boracay ng pag-a-apply sa Comelec para sa liquor ban exception.

Kung saan noong a-otso ng Mayo, araw ng Miyerkules, ilang oras bago ipatupad ang Comelec  Resolution No. 958 kung saan nakasaad ang guidelines para sa Liquor Ban na naunsiyame din dahil sa binabaan ng Temporary Restraining Order o TRO ng Supreme Court, ay doon pa lamang din nag-sumite ang mga ito ng aplikasyon.

Sa panayam kay Malay Comelec Officer Feliciano Barrios, inihayag nito na sa nasing petsa ay humabol pa ang mga establishemento sa Boracay sa pag-a-apply.

Kaya agad nitong ipinadala ang mga aplikasyon sa Comelec Regional Office na siyang magbibigay ng certificate of exemption.

Kung matatandaan, una nang sinabi ni Atty. Roberto Salazar, Aklan Comelec Supervisor na kung hindi mag-a-apply sa liquor ban exception ang mga establishemento sa Boracay ay mahigpit nilang ipapatupad ang naaayon sa batas.

Ganoon paman, dahil sa ika-12:00 ng madaling araw pa naman sisimulang ipatupad ito hanggang sa ika-13 ng Mayo ng hating gabi ay mistulang hindi pa huli para sa mga establishento sa Boracay ang aplikasyon nila lalo na at ibinalik sa dalawang araw ang implementasyon kaysa sa una ng utos ng Comelec na simulan na sana noong ika-9 ng Mayo.

Samantala, sa panayam kay Barrios, hindi naman nito binanggit kung ilan ang nagsumite at kung anu-anong establishemento ang mga ito. 

No comments:

Post a Comment