Pages

Wednesday, May 22, 2013

Mga Ati sa Boracay, pinagbawalang magtayo ng mga istraktura sa lupang ipinagkaloob ng NCIP

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Bawal nang magpatayo ng bahay o anumang istraktura sa Manoc-manoc ang mga Ati sa Boracay.

Ito’y matapos magbaba ng cease and desist order ang Regional Trial Court RTC Branch 5 sa Kalibo, Aklan para sa mga taga-BATO o Boracay Ati Tribal Organization kamakailan.

Ang order o mandato ay ibinaba ni Judge Elmo del Rosario na nagsasabing bawal magtayo ng anumang permanenteng istraktura ang mga taga Ati community sa lupang ipinagkaloob sa kanila ng National Commission on Indigenous People o NCIP.

Nabatid na ang ibinabang order ay base sa isinampang motion ni Ulysses Rudi Banico, na isa sa mga claimants ng nasabing lupain.

Iginiit umano sa korte ni Banico na i-nullify o ipawalang bisa ang titulong ipinagkaloob sa mga Ati.

Ang pagpapatayo umano kasi ng mga Ati ng istraktura doon ay paglabag sa kautusang ibinaba noong Enero 20, 2011 na nagsasabing hindi muna dapat galawin ang lupang iyon dahil sa status quo order nito.

Matatandaang ang taga Ati Community ay pinagkalooban ng CADT o Certificate of Ancestral Domain Title ng gobyerno noong Enero 21, 2011.

No comments:

Post a Comment